Wednesday, June 27, 2018

Confused.

Una, linawin mo muna kung ano ang nararamdaman mo.

Pangalawa, wag kang magover think.

Pangatlo, yung gusto mo ba, yung "siya" o yung "idea of him"?

Pangapat, huwag na huwag ka magcocompare. A) magreresult lang yan sa over thinking at b) unfair kay kuya na ang basis ng actions mo towards him ay yung mga naexperience mo sa ibang lalaki.

Panglima, mag-invest sa pagkilala sa tao. Kaya ka nacoconfuse, maraming apprehensions at nagoover think kasi hindi mo pa naman siya ganun kakilala. Making time and effort to know someone doesn't equate to you getting hurt in case things work out. Process yan. Hindi naman natin madedetermine kung nafall ka na ba o naaaliw ka lang sa attention na binibigay sa'yo ng ganun ganun lang. Bukod sa slambook questions, kilala mo na ba siya kung paano siya maghandle ng pressure? Ano ba yung driving force ng mga desisyon niya sa buhay?

Panganim. Huwag mo i-test. Again, kung interesado ang lalaki sayo, siya ang magkukusa. Hindi pabebe ang daan sa pagdetermine ng worth niya. Paano kung hindi siya palapatol sa pabebe kasi ang kinalakihan niya hindi dapat sensitive ang lalaki? Paano kung katulad sya ni tyang na ayaw ng pabebe hirit? Again, kilalanin mo sya. Huwag mo pahirapan o i-pressure to get the output you expect.

Pangpito, i-enjoy mo lang ang lahat at i-appreciate mo kung ano man yung effort na binibigay niya para makilala ka. Hindi biro sa isang lalaki na mag-stalk at umepal sa social media account ng isang babae. Kung ano man ang intention ni koya, hindi mo problema yun sa ngayon. Ang mahalaga, pwede namin ipalupot sa'yo yung buhok mo na umabot sa 18F ng building namin.

Pangwalo, hindi porke ineentertain mo sya, tinatalikuran mo ang family mo. Kausapin mo sila, maging open ka sa kanila pagdating sa usapang relationships. Anong klaseng partner ba ang gusto nila para sayo? Bakit ayaw nila sa sundalo? Dahil ba sa lifestyle? Tingin ba nila wala sa personality mo na maging partner ang sundalo? After all, parents mo ang pinakanakakakilala sayo. Hingan mo ng advice. Kahit pagsamasamahin mo lahat ng sinasabi namin dito, mas marami ka pang matututunan sa kanila.

Pangsiyam (juskolord), huwag ka na pumatol sa mga ganyang online tests. Anuna teh hayskul? Wala dyan ang sagot. Nasa pagbawas ng habit mo na kilatisin bawat kibot ni kuya.

Pangsampu, ipagpray mo lang ang lahat. Huwag mong hingin kay Lord na ibigay lang sa'yo basta ang isang partner. Ang ipagpray mo, yung habaan pa nya ang pasensya mo at iready ka ni Lord sa chapter ng buhay mo na maglalaan ka ng pagmamahal sa isang tao ng higit pa sa sarili mo.